
Pasensya na po kung literal na malabo ang usapan namin sa FB kasi sa paint ko lang po siya ginawa para magkaroon ng privacy ang mga taong involved. Kung may alam po kayong technique para naman maging malinaw ang post ko, lubos ko pong ikinagagalak ang inyong mga suhestiyon...
Mabalik tayo, ano nga ba ang kaibigan?
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa,
Para saken, they are the people who will lift you up when you're down...
Sila yung mga taong magsasabi ng "okay lang yan" or "kaya mo yan" maliban sa mga magulang mo... at sasabayan nila ng "iinum na natin yan!"
Sila yung mga taong, alam mong hindi mo kayang iwasan dahil alam mong ikaw rin ang mahihirapan sa huli...
At sila yung mga taong hindi mo akalaing dadamay sayo kahit hindi mo sabihin sa kanila...
I Love them so much!!!
At nagpapasalamat ako, dahil kahit 100+ lang ang friends ko sa FB, may mga nags-stand-out talagang mga takas sa Mandaluyong na handang magbigay ng ligaya...at ka paraningan sa buhay ko...

No comments:
Post a Comment