Tuesday, November 29, 2011

Miss Margarita

Nami-miss ko na si Margarita... kamusta na kaya siya... ayy hindi pala siya tao, isa siyang alak.

Link

Wala kasi akong makitang pics namin na kasama yung Blue Margarita Tower kaya post na lang ako ibang pic galing dito

Mas gusto ko yung blue kesa sa yellow kasi mas cool yung kulay, hahahaha ang babaw ng dahilan?!? hindi, kasi yung after taste mas matagal sa yellow, ewan! Siguro feeling ko lang yun...


Pero higit sa lahat, miss ko na yung friends ko!!!

Hihihihihi, actually last saturday lang nagkita-kita kami sa birthday ng isa pa naming friend. At siyempre gaya ng dati nakapalibot kami isang mesa na pingahaharian ng EMPERADOR at ang kanang kamay niyang "chaser"...

Nakakatawa kasi yung mga mas matanda samen (yung parang tatay at tiyo) eh umiinom ng kape, samantalang kami alak ang tinitira... ASTIG!!!

Dumating ang isa pa naming "ka-tropa" at may baon na nakakatakot na MATADOR...

At ayun, nagsimula ng umikot ang baso... pati ang ulo ko umiikot, ang sarap iumpog sa ding-ding... gosh! tatlong inom ko lang tinamaan na ako! ASTIG!!!

Pero umiinom naman ako nun dati, at kahit tatlo lang kaming tumapos sa namumunong emperador eh, hindi ako umayaw, pero sabi nga nila - "dati yun"... hahahahaha ang kulet!

Habang nagko-concert ang mga may hawak ng mic sa videoke at nagkekwentuhan ang mga tomador na kaibigan ko, naalala ko bigla ang una kong inom ng alak... hehehe


Ayoko ng beer... siguro 9 or 10 years old ako ng painumin ako ng tiyo ko ng beer, ewww!!! yun ang nagregister sa isip ko...

16 years old ako ng painumin ako ni Papa ng Pomelo Gin, birthday ko yun, siya nagtimpla! hahaha ayos talaga si Papa, gusto niya ang unang hakbang ko ay gabay niya! LOVE YOU PA!!!

Siguro 18 ako ng makainom ako ng wine, Bloody Mary yata ang pangalan nun, hindi ko na maalala eh basta pinagtripan ako ng mga pinsan ko at sobrang strong!!! As in hindi ko kaya, ewww! (hahaha arte?)

19 yata ako ng matikman ko si EMPERADOR, ng maubos na siya, lahat kami bulagta hahaha!!!

21 ako ng makatikim ako ng "nakakalasing na putik" mudshake at mudslide... masarap naman, hinahanap ko nga dito sa lugar namen kaso hindi ito masyadong popular dito...

Nasubukan ko na rin ang "The Bar", ayos lang, promise walang dating saken!

Tapos aun tanduay ice na ginagawa ko lang juice at minolestiyang Margarita...


WOW!!! Lasenggera ba ako? hehehehehe bahala na kayong mag-isip pero saken lang, masaya ang inuman pag masaya ang kasama sa inuman...


Ang lakas ng tama ko!!!

Sana this Friday may gettogether ulet!!! (hoping)

Wednesday, November 23, 2011

Pride Chicken



Masarap... uo masasabi mo sa amoy pa lang... Mas masarap kainin siguro kung mainit pa...

May iba't ibang uri din nito... may original at may hot and spicy...

Pwede syang lutuin kasama ang batter or breading mix o kahit wala nito...

Depende din ito sa klase ng pagkakaluto, may crispy... may maanta... may sunog ang balat... o may natanggal na ang balat dahil hindi maayos ang pagkuha mula sa kawali...

Pag naihain na, pwedeng isawsaw sa gravy, toyo na may sili, mayonaise, o ketchup... kung trip mo, paghaluin mo ang mga sawsawang yan at subukan ang lasa...

...

...

...

Pero sa kabila ng kahali-halinang langhap nito, iilan ang nakakatikim at nakakain ng PRIDE chicken...

Dahil kahit anong nguya ang gawin mo, mahirap syang lunukin...

Kapag kinain mo na ang pride chicken, wala itong lasa kahit anong sawsaw pa ang gawin mo at iba't ibang pampalasa ang ihalo, mananatili itong walang lasa... ordinaryo lang...

Iilan lang din ang nabusog ng pride chicken, dahil kahit walang lasa at hindi maganda ang pagkakaluto, alam nilang kailangan nilang kumain para mabuhay...





ikaw? gusto mo rin ba ng pride chicken?

Wednesday, November 16, 2011

What is a Friend???

Ito ang chismisan sa FB





Pasensya na po kung literal na malabo ang usapan namin sa FB kasi sa paint ko lang po siya ginawa para magkaroon ng privacy ang mga taong involved. Kung may alam po kayong technique para naman maging malinaw ang post ko, lubos ko pong ikinagagalak ang inyong mga suhestiyon...


Mabalik tayo, ano nga ba ang kaibigan?

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa,

Para saken, they are the people who will lift you up when you're down...

Sila yung mga taong magsasabi ng "okay lang yan" or "kaya mo yan" maliban sa mga magulang mo... at sasabayan nila ng "iinum na natin yan!"

Sila yung mga taong, alam mong hindi mo kayang iwasan dahil alam mong ikaw rin ang mahihirapan sa huli...

At sila yung mga taong hindi mo akalaing dadamay sayo kahit hindi mo sabihin sa kanila...

I Love them so much!!!

At nagpapasalamat ako, dahil kahit 100+ lang ang friends ko sa FB, may mga nags-stand-out talagang mga takas sa Mandaluyong na handang magbigay ng ligaya...at ka paraningan sa buhay ko...


Tuesday, November 15, 2011

Si Lito

Matagal-tagal na din akong hindi nakakadalaw sa mundo ng Blogging... Pero hindi ko masasabing namiss ko ang Blogging kasi araw-araw naman akong nagsusulat ng mga bagay na hindi ko alam kung may katuturan (example vandalism)...

Sa mga panahong nananahimik ako sa maingay na mundo ng Blogging (weh?), marami akong naisip... gaya ng... gaya ng ano... ng ano ba yun?!? Tingnan myo, sa dami ng naisip ko hindi ko na alam kung anong sasabihin ko... hahahaha...

Pero may mga bagay na naisip ko ngayon na hindi ko dati (malamang)... Kaya nalilito talaga ako kung bakit sa dinadami ng pwedeng mangyari saken eh ganto pa ang kahahantungan ko...

-----See picture below-----




Hindi ko makita ng maayus yung screen ng computer ko... hahaha may stiff neck ba ako??

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...